--Ads--

Nahulog at nabasag ang ilang bote ng alak matapos biglang bumukas ang wing door ng isang 10-wheeler wing van habang bumibiyahe sa Barangay Baligatan, Ilagan City, Isabela nitong Oktubre 6.

Batay sa Ilagan Component City Police Station, dakong alas-10:20 ng gabi nang mangyari ang insidente habang patungong Tumauini ang Isuzu Giga wing van na may plakang CBB 4678.

Dahil sa biglaang pagbukas ng wing door, kumalat sa kalsada ang ilang bote ng alak na kargamento ng truck, na nagresulta sa pagkabasag ng mga bote at pagkasira ng bahagi ng cargo.

Agad namang nagsagawa ng clearing operations ang mga awtoridad katuwang ang DPWH at BFP upang alisin ang mga basag na bote at matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.

--Ads--

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang eksaktong sanhi ng insidente at kabuuang halaga ng pinsala.