Sugatan ang tatlong overseas Filipino worker (OFW)sa nangyaring drone strike sa Kuwait International Airport.
Kabilang ang tatlong OFW sa mahigit 60 na katao na nasugatan dahil sa insidente na nangyari noong Hunyo 3.
Nagdulot ng malaking pagkasira sa mga gusali sa paliparan ang nangyaring airstrike.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) na dalawa sa tatlong OFW ay nalapatan ng lunas habang ang isa ay kinailangan pang tahiin ang kaniyang mga sugat na tinamo sa kamay at ulo.
Sinabi naman ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na binisita na sila ng Migrant Workers Office ang mga sugatang OFW kung saan ang mga ito rin ay nakalabas na sa pagamutan.
Mahigpit din nilang binabantayan ang mga pinakahuing kaganapan sa nasabing bansa.
Inaayos na rin nila ang pagpapauwi sa mga apektadong OFW doon.
Una ng itinanggi ng Iran na sila ang nasa likod ng pag-atake kung saan ang US interceptor missiles ang namali ang pagtama na ito ay dumiretso sa paliparan.











