--Ads--
Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na umabot sa 41 ang mga barko ng China na namataan sa West Philippine Sea mula Hunyo 2 hanggang 8.
Sinabi ni AFP Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na pinakamaraming presensya ang naitala sa Ayungin Shoal, kung saan namataan ang tatlong People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessels at 13 China Coast Guard (CCG) ships.
Nakapagtala rin ng siyam na PLAN at apat na CCG sa Bajo de Masinloc, habang tatlong PLAN at anim na CCG ang nasa Escoda Shoal. Sa Pag-asa Islands naman, tatlong PLAN at anim na CCG ang naobserbahan.
Noong Mayo, mas mataas pa ang naitala na presensya ng China na umabot sa 82 barko sa parehong bahagi ng karagatan.
--Ads--











