--Ads--
Kinondena ng United States ang umano’y panghihimasok ng China sa rotation and resupply o RoRe mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal noong Setyembre 24.
Ayon kay US Ambassador to the Philippines Lee Lipton, mapanganib at iresponsable ang naging pagmamaniobra ng China Coast Guard at People’s Liberation Army Navy na muntik umanong magdulot ng banggaan at naging dahilan para hindi maituloy ang resupply mission.
Batay sa Armed Forces of the Philippines, tatlong PLAN warships at limang China Coast Guard vessels ang nakialam sa operasyon habang nasa humigit-kumulang 60 nautical miles pa ang mga barko ng Pilipinas mula sa Ayungin Shoal.
Dahil sa insidente, itinigil ng Philippine Coast Guard ang misyon para sa kaligtasan ng mga personnel.
--Ads--











