--Ads--

Arestado ang isang 39-anyos na mekaniko matapos umanong mahulihan ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok 6, Sitio Palay, Barangay Mabini, Santiago City.

Ang suspek ay may asawa at residente ng nasabing lugar. Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Police Station 4, City Intelligence Unit ng Santiago City Police Office, Isabela Police Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2.

Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 1.3 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P8,840.

Narekober din ng mga operatiba ang buy-bust money, isang Android cellphone at isang motorsiklo na may stickers.

--Ads--

Agad namang isinagawa ang pagmamarka at imbentaryo ng mga nakuhang ebidensya sa presensya ng mga kinatawan mula sa National Prosecution Service at barangay upang matiyak ang tamang pagproseso ng mga ito.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, tiniyak ng Santiago City Police Office na magpapatuloy ang pinaigting nilang kampanya laban sa ilegal na droga bilang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.