--Ads--

Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kayang pamunuan ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang posibleng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sakaling siya ang maging presiding officer ng Senado bilang impeachment court.

Ito ang tugon ng Pangulo nang tanungin hinggil sa mga kritisismo kay Escudero kaugnay ng kanyang posibleng papel sa naturang paglilitis.

Ayon kay Marcos, pawang mga opinyon lamang ang mga batikos at hindi ito sapat na batayan upang kuwestiyunin ang kakayahan ng senador na pamunuan ang proseso.

Binigyang-diin din ng Pangulo na si Escudero mismo ang bumalangkas ng mga patakarang ginagamit ng Senado sa mga nakaraang impeachment proceedings.

--Ads--

Dagdag pa niya, hindi dapat iugnay kay Escudero ang naunang pagkakatigil ng impeachment trial dahil ito ay resulta umano ng desisyon ng Korte Suprema at hindi ng anumang kakulangan ng senador.