Umakyat ng apat na puwesto ang Pilipinas sa ika-47 mula sa 70 ekonomiya sa 2026 World Competitiveness Yearbook ng IMD, mula sa ika-51 noong nakaraang taon.
Bagama’t nananatiling mababa sa ika-13 sa 15 ekonomiya sa Asia-Pacific, nalampasan na ng bansa ang Indonesia sa Southeast Asia ranking.
Nakakuha ang Pilipinas ng kabuuang iskor na 59.07, mas mataas kumpara sa 57.57 ng Indonesia.
Bahagyang umangat ang bansa sa business efficiency (ika-30 mula ika-46) at government efficiency (ika-45 mula ika-51), ngunit bumaba sa economic performance (ika-38 mula ika-33). Nanatiling pinakamababa ang infrastructure pillar sa ika-60 puwesto.
Ayon sa IMD, kabilang sa hamon ng bansa ang pagpapalakas ng ekonomiya, pagbawas ng inflation pressure, at pagtugon sa isyu ng imprastraktura, edukasyon, at korapsyon.
Nanguna sa ranking ang Singapore, sinundan ng Hong Kong at Switzerland.











