--Ads--

May nakita umanong hindi tugmang salaysay ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pagitan ng mga manlalaro at coaching staff ng men’s basketball team ng Ateneo de Manila University kaugnay ng team-building activity sa Aurora noong Hunyo 8 na ikinasawi ng dalawang student-athletes.

Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, humarap sa CIDG sina dating head coach Tab Baldwin, assistant coach Dean Castaño, at athletics director Em Fernandez para sa imbestigasyon, kung saan lumitaw ang ilang inconsistency sa kanilang mga pahayag.

Ipinaliwanag niya na maaaring nagkaiba ang mga salaysay dahil magkaiba ang kinaroroonan ng mga testigo—nasa dagat ang mga manlalaro habang nasa pampang naman ang coaching staff.

Patuloy pa ang imbestigasyon at pinadalhan din ng subpoena si Fr. Roberto Yap, habang hindi pa rin humaharap sa CIDG ang team manager na si Epok Quimpo.

--Ads--

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkamatay nina Rene Baterbonia at Divine Adili upang matukoy kung ito ba ay aksidente, kapabayaan, o paglabag sa batas, kabilang ang posibleng saklaw ng Anti-Hazing Act.