--Ads--
Inihayag ni Senator Francis “Chiz” Escudero na tinanggihan niya ang alok na maging Senate President Pro Tempore at sa halip ay inirekomenda niya si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III para sa naturang posisyon.
Ayon kay Escudero, isang miyembro ng majority bloc ni Senate President Win Gatchalian ang lumapit sa kanya upang ialok ang posisyon. Gayunman, sinabi niyang wala siyang interes na tanggapin ito.
Binigyang-diin din ng senador ang mahabang panunungkulan ni Sotto sa Senado at sinabing karapat-dapat ito sa posisyon.
Ayon pa kay Escudero, wala siyang dahilan upang makipag-agawan sa posisyon dahil hindi naman niya ito hinahangad.
--Ads--








