Muling naupo si Senador Vicente “Tito” Sotto III bilang Senate President Pro Tempore matapos ang panibagong reorganisasyon sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ngayong Miyerkules, Hunyo 17.
Nominahan si Senador Panfilo Lacson kay Sotto para sa naturang posisyon, na agad namang sinuportahan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.
Pinalitan ni Sotto si Senador Sherwin Gatchalian, na pansamantalang humawak ng posisyon matapos ang reorganisasyon noong Hunyo 3.
Matatandaang si Senador Loren Legarda ang naunang nagsilbing Senate President Pro Tempore bago ang mga pagbabago sa liderato ng Senado.
Opisyal ding nanumpa si Sotto sa kanyang bagong tungkulin sa pangunguna ni Senate President Sherwin Gatchalian.Muling naupo si Senador Vicente “Tito” Sotto III bilang Senate President Pro Tempore matapos ang panibagong reorganisasyon sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso nitong Miyerkules, Hunyo 17.











