Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang umiiral na “selective justice” sa ilalim ng kanyang administrasyon, kasunod ng isinagawang rally ng Iglesia Ni Cristo (INC) upang tutulan ang umano’y hindi patas na pagpapatupad ng hustisya kaugnay ng nakaambang pagsasampa ng non-bailable plunder case laban kay Senator Rodante Marcoleta.
Bago ang kanyang pag-alis patungong Vancouver, Canada para sa apat na araw na official visit, sinabi ng Pangulo na hindi siya sang-ayon sa pahayag ng INC na may umiiral na selective justice sa pamahalaan.
Nitong ika-30 ng Hunyo hanggang kahapon, Hulyo 1 ay nagsagawa ng rally ang INC upang ipahayag ang pagtutol sa umano’y selective justice at ipakita ang suporta kay Marcoleta.
Libo-libong miyembro ng INC ang nagtipon sa People Power Monument sa Quezon City bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa senador at panawagan para sa patas na pagpapatupad ng batas.











