--Ads--

Handa ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sakaling maglabas ng warrant of arrest laban sa sinumang mataas na opisyal ng bansa.

Ayon kay PCol. John Guiagui, direktor ng CIDG-NCR, wala pa silang natatanggap na anumang warrant of arrest para sa pag-aresto sa mga naturang opisyal.

Samantala, nang tanungin si Guiagui hinggil sa posibilidad ng pagsasampa ng kasong plunder at paglalabas ng warrant of arrest laban kay Sen. Rodante Marcoleta, sinabi niyang mangangailangan ito ng masusing paghahanda hindi lamang ng CIDG kundi ng buong Philippine National Police (PNP).

Aniya, nakahanda ang kanilang hanay na ipatupad ang anumang kautusan ng korte alinsunod sa umiiral na batas at mga itinakdang proseso.

--Ads--

Kaugnay nito, tiniyak ng CIDG na nagpapatuloy ang kanilang mga operasyon laban sa mga indibidwal na may umiiral na warrant of arrest, kabilang ang mga sangkot sa mga kasong may kaugnayan sa umano’y maanomalyang flood control projects.