Pormal nang inihain ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
Pasado alas-diyes kaninang umaga nang personal na dumating sa Sandiganbayan ang ilang kawani ng Ombudsman upang isumite ang reklamo, ilang araw matapos kumpirmahin ng ahensya na itutuloy nito ang pagsasampa ng kaso laban sa senador.
Ang kaso ay kaugnay sa alegasyon ng hindi wastong pagtanggap at pagdedeklara ng mga campaign donation noong 2025 elections. Ang plunder ay isang non-bailable offense kapag matibay ang ebidensya ng pagkakasala.
Nauna nang itinanggi ni Marcoleta ang mga paratang at iginiit na may bahid pulitika ang kaso. Samantala, sinabi ng Ombudsman na dumaan sa masusing imbestigasyon ang reklamo bago ito isinampa sa anti-graft court.
Inaasahang maglalabas ng mga susunod na kautusan ang Sandiganbayan kaugnay ng pagproseso ng kaso laban sa senador.










