--Ads--

Nagpahayag ng saloobin si Palace Press Officer Claire Castro kaugnay ng kumakalat na video sa social media kung saan umano’y nilapitan at kinuyog sila ng isang grupo ng mga Pilipino habang nasa Vancouver, Canada.

Ayon kay Castro, hindi na nila naipagpatuloy ang kanilang pagkuha ng reels matapos silang sundan at batikusin ng grupo. Aniya, nakarinig sila ng mga sigaw na nag-aakusa sa kanila bilang magnanakaw at nakatanggap din siya ng mga personal na insulto.

Inamin din ni Castro na nakaramdam siya ng pangamba sa insidente dahil dalawa lamang sila ng kanyang kasama at hindi nila alam kung ano ang maaaring mangyari.

Dagdag pa niya, hindi kailangang maging bastos o agresibo sa pagpapahayag ng saloobin at pananaw, lalo na kung may hindi pagkakasundo sa politika o iba pang usapin.

--Ads--