--Ads--
Mas mataas ang naging pagtatapos ng Philippine Stock Exchange index (PSEi) trading days matapos itong umakyat ng 62.31 points o 1.02% at magsara sa 6,188.03 nitong Hulyo 3.
Ayon sa mga eksperto, pinalakas ng pagbaba ng presyo ng langis at pagtaas ng economic status ng Pilipinas sa upper-middle-income country ayon sa World Bank ang kumpiyansa ng mga investors.
Dahil dito, nagtala ang local market ng ikatlong magkakasunod na araw ng pagtaas habang nagpapatuloy ang pagpasok ng mga investor sa stock market.










