--Ads--

Bumagsak ang local stocks matapos maapektuhan ng muling pag-init ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, pagtaas ng presyo ng langis at global yields, gayundin ng panibagong record low ng piso.

Bumaba ng 0.67 % o 40.66 points ang benchmark Philippine Stock Exchange Index o PSEi, na nagsara sa 6,053.23.

Nagpabigat sa market sentiment ang patuloy na paghina ng piso matapos itong muling bumagsak sa record low laban sa dolyar.

Samantala, nanatiling mahina ang trading activity, na may ₱5.14 bilyong net value turnover, habang nagtala ang foreign investors ng ₱559.82 milyong net outflow.

--Ads--

Karamihan sa sectoral indices ay nagtapos sa negatibong teritoryo, habang services ang may pinakamalaking pagbaba sa 1.46%.