Nagbanggaan ang isang Toyota Vios at isang Hino aluminum van sa kahabaan ng Cabatuan Road sa Barangay San Fermin, Cauayan City, bandang alas-7:20 ng umaga nitong Hulyo 7.
Batay sa ulat ng Cauayan Component City Police Station, minamaneho ang Toyota Vios ng isang 24-anyos, binata, at tindero na residente ng Cordon, Isabela. Samantala, ang Hino aluminum van ay minamaneho ng isang 45-anyos, may asawa, at tsuper na residente ng Meycauayan, Bulacan.
Sa paunang imbestigasyon, kapwa bumibiyahe pahilaga ang dalawang sasakyan sa Cabatuan Road. Habang lumiliko pakaliwa ang Toyota Vios patungong Luna, Isabela, nabangga ito ng mabilis na paparating na aluminum van sa kaliwang likurang bahagi nito.
Dahil sa insidente, nagtamo ng malaking pinsala ang dalawang sasakyan. Gayunman, walang naitalang nasugatan sa dalawang drayber.
Dinala ang mga sasakyan sa himpilang Cauayan Component City Police Station para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon.
Home Local News
2 sasakyan nagtamo ng pinsala matapos mag-banggaan sa San Fermin, Cauayan City
--Ads--











