--Ads--
Tuluyan nang ipinagbawal ng Russia ang pag-export ng diesel matapos magdulot ng kakulangan sa suplay ng gasolina ang mga drone attack ng Ukraine sa mga refinery ng bansa.
Ayon kay Russian Deputy Prime Minister Alexander Novak, layunin ng hakbang na madagdagan ang suplay ng diesel sa loob ng Russia at matugunan ang pangangailangan ng lokal na merkado.
Pinalawak ng pamahalaan ang naunang bahagyang pagbabawal sa pag-export upang maisama na rin ang mga producer ng diesel, dahilan upang masaklaw ang halos buong industriya.
Bagama’t iginiit ng mga opisyal na sapat ang suplay ng gasolina at diesel sa bansa, naiulat naman ang mahahabang pila ng mga sasakyan sa ilang gasolinahan habang nagpapatuloy ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
--Ads--











