--Ads--
Posibleng itaas pa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang benchmark interest rate hanggang 5.5 porsyento ngayong taon, ayon sa Goldman Sachs, sa kabila ng bahagyang pagbaba ng inflation noong Hunyo.
Bagama’t bumaba sa 6.4 porsyento ang inflation, tumaas naman ang core inflation sa 4.4 porsyento, palatandaan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Ayon sa mga ekonomista, maaari ring magdulot ng dagdag na inflation ang pagtaas ng minimum wage, epekto ng El Niño, at paghina ng piso, dahilan upang magpatuloy ang paghihigpit ng BSP sa monetary policy.
--Ads--











