--Ads--

Nanguna ang Pilipinas sa investor relations sa 57 emerging markets at developing economies, ayon sa Department of Finance (DOF) batay sa ulat ng Institute of International Finance (IIF).

Nakapagtala ang bansa ng pinakamataas na Investor Relations Country Score na 49.3 mula sa posibleng 50 puntos, na nalampasan ang Türkiye at Brazil na kapwa may 48.3 puntos.

Kabilang din ang Pilipinas sa nangungunang mga bansa sa debt transparency matapos makakuha ng 12.3 sa 13 puntos at isa sa apat na ekonomiyang nagtala ng perpektong marka sa environmental, social and governance (ESG) disclosures.

Ayon kay Finance Secretary Frederick Go, patunay ito ng lumalaking tiwala ng mga mamumuhunan sa ekonomiya ng Pilipinas at sa mga repormang ipinatutupad ng pamahalaan.

--Ads--

Binigyang-diin din niya na mahalaga ang transparency upang mapanatili ang investor confidence at makakuha ng mas magandang oportunidad sa pagpopondo para sa mga programa at serbisyong makatutulong sa mga Pilipino.