--Ads--

Isinusulong ng Department of Finance (DOF) ang pagtataas ng excise tax sa mga sweetened beverages bilang bahagi ng kampanya laban sa mga tinatawag na lifestyle diseases sa bansa.

Ayon kay DOF Revenue Operations Group Assistant Secretary Euvimil Nina Asuncion, layunin ng panukala na bawasan at i-discourage ang pagkonsumo ng mga matatamis na inumin tulad ng soft drinks, juices, at energy drinks na itinuturong sanhi ng obesity, diabetes, at kidney diseases.

Sa ilalim ng bagong panukala, itinutulak na gawing ₱20 kada litro ang buwis mula sa kasalukuyang ₱6 para sa mga caloric at non-caloric sweetened beverages.

Samantala, itataas naman sa ₱40 kada litro mula sa ₱12 ang buwis sa mga inuming gumagamit ng high fructose corn syrup.

--Ads--