--Ads--
Target ng Department of Finance (DOF) na makalikom ng ₱38.1 bilyon mula sa privatization ng mga ari-arian ng gobyerno ngayong taon.
Ayon kay Finance Undersecretary Michael Peter Alejandro, kabilang sa prayoridad na ibenta ang Mile Long estate sa Makati at bahagi ng Food Terminal Inc. complex sa Taguig, na may pinagsamang tinatayang halaga na ₱30 bilyon.
Isinasagawa na ang appraisal sa mga ari-arian bago ang pinal na bidding. Inaasahang makatutulong ang kita sa pagpapalakas ng non-tax revenues at pagpapababa ng fiscal deficit ng pamahalaan.











