--Ads--

Naiulat na naghain umano ng kanyang pagbibitiw si Health Secretary Teodoro “Ted” Herbosa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes, bagama’t wala pang opisyal na pahayag ang Malacañang hinggil dito.

Batay sa ulat, napagpasyahan umano ni Herbosa na magbitiw matapos siyang sumailalim sa operasyon sa tuhod at matukoy na kailangan niyang unahin ang kanyang paggaling.

Ayon pa sa kanya, inaasahang aabot sa tatlo hanggang apat na buwan ang kanyang rehabilitasyon, kaya’t hindi niya lubos na magagampanan ang kanyang mga responsibilidad bilang kalihim ng Department of Health (DOH).

Matatandaang nauna nang nag-sick leave si Herbosa kasunod ng kanyang knee replacement surgery, habang pansamantalang itinalaga si DOH Undersecretary Albert Domingo bilang officer-in-charge ng kagawaran.

--Ads--