--Ads--
Hindi bababa sa 51 katao ang nasawi habang mahigit isang milyong residente ang naapektuhan ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng ilang araw na malakas na pag-ulan sa timog-silangang Bangladesh.
Ayon sa mga awtoridad, pitong distrito ang lubhang naapektuhan at mahigit 267,000 kabahayan ang napalibutan ng baha. Marami ring residente ang nawalan ng kuryente at nahirapang makakuha ng pagkain at malinis na tubig.
Patuloy ang paghahatid ng relief goods sa mga apektadong lugar sa tulong ng militar, habang nahahadlangan ang rescue at relief operations dahil sa mga nasirang kalsada at tulay.
Nauna ring nasawi ang 16 na Rohingya refugee sa pagguho ng lupa sa mga refugee camp sa Cox’s Bazar.
--Ads--











