--Ads--

Inamin ni Department of Justice Secretary Fredderick Vida na wala pang panibagong ulat patungkol sa kinakaharap na mga reklamo ni Vice President Sara Duterte sa kagawaran.

Aniya’y kapareho sa makaraan impormasyon, patuloy pa ring sinusuri ng DOJ ang ‘draft resolution’ ng reklamong ‘inciting to sedition’ at ‘grave threats’ kontra sa ikalawang pangulo.

Magugunitang noong Pebrero 2025 ay inihain ng National Bureau of Investigation ang mga reklamong nabanggit laban sa bise presidente.

Kaugnay ito sa mga pagbabantang binitawan ng ikalawang pangulo sa buhay nina President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr, first lady Liza Araneta-Marcos at former House of Representatives Speaker Martin Romualdez.

--Ads--

Sa isang ‘pulong balitaan’ kasing isinagawa ng bise presidente noong Nobyembro 2024, isiniwalat niyang kumuha siya ng papatay sa pangulo sakaling siya’y mapatay din.

Kung kaya’t sa nakabinbin reklamong sesisyon kontra sa kanya, tiniyak ni Justice Secretary Fredderck Vida ang pagbabahagi ng ulat sa oras na magkaroon ng panibagong hakbang ukol dito.

Sa pagtatanong pa ng Bombo Radyo kay Justice Secretary Vida, binigyang diin ng kalihim na hiwalay ang proseso ng kagawaran sa isinasagawang ‘Impeachment Trial’ ng senado kay Vice President Duterte.

Ito’y sa kabila o kahit pa sa kaparehong ‘grounds’ ang tinatalakay sa nabanggit na kaso partikular ang sinambit ng ikalawang pangulo na mga pagbabanta sa buhay ng lider ng bansa.

Giit ng kalihim na ang pokus sa ‘Impeachment Process’ ay ang pagpapanagot sa isang ‘impeachable official’ kung mayroon sapat na basehan.

Habang ang gawain naman aniya ng Department of Justice ay ang suriin ang pananagutan kriminal ng isang indibidwal sa pamamagitan ng ‘panel of prusecutors’ na itinalaga ng kagawaran.

Kasabay nito’y sinabi ni Justice Secretary Vida na makaseseguro umano na kanilang susundin at tutuparin ang mandato ng kagawaran sa pagtugon nito sa naturang kaso at usapin.