--Ads--

Dumating na sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila si Senator Rodante Marcoleta ngayong July 14.

Ito ay para sa kaniyang pagsalang sa check-up sa PGH alinsunod na rin sa utos ng Sandiganbayan.

Bantay sarado naman kanina ang paligid ng PGH habang kasamang naghatid dito kay Marcoleta ang mga tauhan ng PNP-CIDG sa pangunguna ni NCR Director PCol John Guiagui.

Naka-facemask, bulletproof vest at posas si Marcoleta nang bumaba sa coaster ng PNP.

--Ads--

Ayon kay Guiagui, layon nitong suriin kung fit o maaari nang dalhin si Marcoleta si Sandiganbayan bukas kung saan siya nahaharap sa kasong plunder.

Pagkatapos naman aniya ng checkup kay Marcoleta ay saka sila babalik sa Camp Crame pero hindi pa tiyak kung anong oras sila aalis.

Una nang tumangging magbigay ng impormasyon ang pamunuan ng PGH kung ano ang mga ipapa-checkup ng senador.

Ipinauubaya na rin nila sa Sandiganbayan ang anumang update hinggil sa kalusugan ni Marcoleta.