Ipinatupad na ng Estados Unidos ang naval blockade sa mga pantalan ng Iran kasabay ng patuloy na paglala ng tensyon sa Middle East.
Kasabay nito, iniulat din ang panibagong mga pag-atake sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon sa ikaapat na magkakasunod na araw nang pagsasagawa ng US ng airstrikes laban sa mga target sa Iran. Nagbabala rin ang mga kaalyado nitong Kuwait at Bahrain sa kanilang mga mamamayan hinggil sa mga posibleng banta sa seguridad.
Iniulat naman ng state media ng Iran na pinuntirya ng Tehran ang ilang military facility ng Estados Unidos sa Jordan bilang tugon sa mga pag-atake.
Nagbabala si US President Donald Trump na maaaring targetin ng Amerika ang mga tulay at planta ng kuryente sa Iran sa susunod na linggo kung hindi ito babalik sa negosasyon.
Samantala, binawi ni Trump ang nauna niyang planong magpataw ng 20% reimbursement fee sa mga dumaraan sa Strait of Hormuz. Aniya, papalitan ito ng mga investment mula sa mga bansang Gulf patungo sa Estados Unidos.










