--Ads--

Patuloy ang search and rescue operations sa Guyana matapos lumubog ang pampasaherong ferry na MV Barima sa baybayin ng bansa.

Sakay ng ferry ang 116 pasahero at 17 tripulante nang maganap ang insidente habang patungo sa Port Kaituma.

Ayon sa mga awtoridad, 67 katao na ang nailigtas kabilang ang 15 bata, habang patuloy pang hinahanap ang iba pang mga nawawala.

Sinabi ni Prime Minister Mark Phillips na magpapatuloy ang operasyon hanggang sa mahanap ang mga nawawalang sakay ng ferry.

--Ads--

Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng paglubog ng sasakyang-pandagat.