--Ads--
Pinayuhan ng ilang netizens ang actress na si Bea Alonzo na magkaanak na agad matapos ang kanyang kasal sa bilyonaryong negosyante na si Vincent Co.
Ayon sa mga netizen, malapit nang mag-39 anyos si Bea kaya mas mabuting huwag na umanong ipagpaliban ng mag-asawa ang pagkakaroon ng anak.
Samantala, bumalik agad sa trabaho si Bea dalawang araw matapos ang kanilang kasal noong Hulyo 13 sa Makati City Hall para sa taping ng kanyang bagong series.









