--Ads--

Pormal nang inanunsyo ng Department of National Defense (DND) ang pagtalaga kay Lt. Gen. Antonio Nafarrete bilang ika-61 Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Si Nafarrete, na kasalukuyang Commanding General ng Philippine Army, ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang kapalit ni Gen. Romeo Brawner Jr. na nakatakdang magretiro matapos ang tatlong taong panunungkulan bilang pinuno ng AFP.

Kasabay nito, itinalaga rin si Lt. Gen. Donald Gumiran, kasalukuyang Commander ng Western Mindanao Command, bilang bagong Commanding General ng Philippine Army kapalit ni Nafarrete.

Nagpaabot naman ng pagbati ang DND sa dalawang opisyal at nagpahayag ng kumpiyansa na ipagpapatuloy nila ang kanilang liderato nang may propesyonalismo, kahusayan, at dedikasyon sa serbisyo para sa bansa at mamamayang Pilipino.

--Ads--