--Ads--

Inako ng Houthi movement sa Yemen ang missile at drone attacks laban sa dalawang Saudi oil tanker sa Red Sea, kasunod ng deklarasyon nito ng maritime embargo laban sa Saudi Arabia.

Kasabay nito, nagpatuloy sa ika-12 magkakasunod na gabi ang pambobomba ng Estados Unidos sa Iran. Iniulat ng Iranian media ang mga pagsabog sa mga lungsod ng Bushehr, Ahvaz, at Sirik.

Nagbabala rin si U.S. President Donald Trump na bobombahin ng Amerika ang mga tulay o planta ng kuryente sa Iran sa tuwing may tatamaan umanong barko sa Strait of Hormuz. Bilang tugon, sinabi ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na nakabatay sa prinsipyong “eye for an eye” ang depensa ng Tehran.

Samantala, lumagda ang Estados Unidos at Saudi Arabia sa isang mahalagang kasunduan sa nuclear cooperation na maaaring magbigay-daan sa pagpapaunlad ng civilian uranium enrichment program ng Riyadh.

--Ads--