--Ads--
Nagbabala si US President Donald Trump na pananagutin ng Estados Unidos ang Iran sa anumang susunod na pag-atake ng mga Houthi rebels sa mga barko sa Red Sea.
Ayon kay Trump, itinuturing ng Amerika na proxy ng Iran ang mga Houthi kaya’t anumang pag-atake ng grupo ay pananagutan din ng Tehran.
Ang pahayag ay kasunod ng missile at drone attacks ng mga Houthi sa mga oil tanker ng Saudi Arabia matapos nilang ideklara ang blockade sa mga pantalan ng Saudi.
Dahil sa mga pag-atake, lalo pang tumindi ang tensyon sa Gitnang Silangan at muling sumipa ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
--Ads--










