Isang espesyal na pagdiriwang ang inihandog ni Sarah Geronimo sa kanyang ika-38 kaarawan matapos niyang muling makasama ang kanyang mga magulang na sina Divine at Delfin Geronimo.
Ibinahagi ng Popstar Royalty sa social media ang ilang eksena mula sa kanyang pagdiriwang, kabilang ang pagre-record nila ng kanyang amang si Delfin ng awiting “Refrain,” na isa sa kanilang mga paboritong kanta.
Ayon kay Sarah, matagal na niyang pangarap na makasama sa isang musical project ang kanyang ama. Naging emosyonal naman si Tatay Delfin habang nagre-record at ipinahayag ang kanyang pagmamalaki sa anak.
Makikita rin sa ibinahaging video ang isang mainit na tagpo sa pagitan ni Sarah at ng kanyang inang si Divine, kabilang ang yakap at halik.Ang naturang proyekto ay isa sa mga espesyal na handog ni Sarah sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan








