--Ads--

Kinumpirma ng Pasay City Police na isang hinihinalang improvised explosive device (IED) ang nadiskubre malapit sa gusali ng Senado sa Pasay City ngayong Lunes ng umaga, ilang oras bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakita ang hinihinalang IED ng isang empleyado ng towing service sa center island ng Diokno Boulevard bandang alas-8:00 ng umaga.

Agad namang rumesponde ang bomb disposal team ng Pasay City Police Station upang masuri at ma-neutralisa ang naturang bagay.

Naging matagumpay ang operasyon at ligtas na na-neutralisa ang hinihinalang pampasabog nang walang naitalang nasugatan o napinsala sa lugar.

--Ads--

Kabilang sa mga narekober ng mga awtoridad ang isang blasting cap, 9-volt battery, orasan, container, at hinihinalang explosive material.

Nangyari ang insidente ilang oras bago ang pagbubukas ng ikalawang regular na sesyon ng ika-20 Kongreso at ang nakatakdang SONA ni Pangulong Marcos sa Batasang Pambansa.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Pasay City Police upang matukoy kung sino ang may kinalaman sa paglalagay ng hinihinalang IED at kung may kaugnayan ito sa mga nakatakdang aktibidad sa Metro Manila.