Naghahanda ang Department of Education (DepEd) ng master plan upang matiyak na handa ang mga guro at mag-aaral sa paggamit ng artificial intelligence (AI) sa mga paaralan.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin ng plano na sanayin muna ang mga guro sa AI upang maituturo nila ito nang epektibo sa mga estudyante. Aniya, nasa 1.8 milyong guro at mag-aaral na ang naturuan ng mga batayang konsepto ng AI.
Nakikipagtulungan din ang DepEd sa pribadong sektor para sa libreng o mas murang AI tools na magagamit sa pagtuturo. Iginiit ni Angara na hindi papalitan ng AI ang mga guro kundi magsisilbi itong katuwang sa pagkatuto.
Samantala, hiniling din niya sa Kongreso na maglaan ng hiwalay na pondo para sa kompensasyon ng mga gurong magsisilbing tutor sa ilalim ng ARAL Program, kasabay ng pangakong palalakasin pa ang implementasyon nito.











