--Ads--

Umabot na sa P2 trilyong buwis ang nakolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa unang pitong buwan ng 2026, ayon sa ahensya.

Umabot sa P1.998 trilyon ang kabuuang koleksyon ng BIR mula Enero hanggang Hulyo, mas mataas ng P100 bilyon o 5.16 porsyento kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay BIR Commissioner Charlito Mendoza, lumampas din ng P9 bilyon sa target ang naturang koleksyon kaya nananatiling nasa tamang landas ang ahensya upang maabot ang itinakdang target para sa buong taon.

Sa kabila ng mga panukalang tax relief measures ng pamahalaan, kabilang ang bawas-buwis para sa mga manggagawa at maliliit na negosyo, naniniwala ang BIR na maaabot nito ang full-year collection target na P3.393 trilyon para sa 2026.

--Ads--