--Ads--

Ikinasal na si football superstar Cristiano Ronaldo sa kanyang longtime partner na si Georgina Rodriguez sa isang pribado at intimate na seremonya sa Cascais, Portugal nitong Martes.

Dumalo sa kasal ang kanilang limang anak, ayon sa public relations team ni Ronaldo. Ibinahagi rin ng football star sa Instagram ang larawan ng kanilang mga kamay na may wedding rings at caption na “C ❤️ G.”

Ang kasal ay naganap eksaktong isang taon matapos ianunsyo ni Rodriguez ang kanilang engagement. Sampung taon nang magkasama ang dalawa matapos magkakilala noong 2016 sa Madrid, Spain.

Si Ronaldo ay kasalukuyang naglalaro para sa Saudi club na Al Nassr at limang beses nang nagwagi ng Ballon d’Or bilang world’s best football player.

--Ads--

Samantala, naging tanyag din si Rodriguez sa kanyang Netflix reality series na I Am Georgina, na tampok ang kanilang buhay, pamilya, fashion at paglalakbay.