--Ads--
Panibagong malaking hamon ang naghihintay kay Alex Eala matapos umabante sa third round ng Cincinnati Open, kung saan makakaharap niya ang world No. 10 na si Amanda Anisimova ng Estados Unidos.
Umakyat sa Round of 32 si Eala matapos manguna, 6-1, 3-0, laban kay Romanian Elena-Gabriela Ruse bago ito nagretiro dahil sa injury sa kanang paa.
Samantala, diretso namang umabante si Anisimova matapos talunin si Zeynep Sonmez, 6-2, 6-3.
Ito ang unang pagtatagpo nina Eala at Anisimova sa kanilang career.
--Ads--











