--Ads--

Nilinaw ng Department of Budget and Management (DBM) na walang nakalaang “leadership fund” para sa mga senador sa ilalim ng panukalang pambansang badyet para sa 2027.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, sinabi ni DBM Secretary Kim Robert de Leon na hindi pinapayagan at wala silang kaalaman sa umano’y leadership fund na binanggit ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

Matatandaang inihayag ni Bonoan sa kanyang judicial affidavit na may umano’y pondong inilaan para sa mga senador kung saan bawat isa ay maaaring makatanggap ng hindi bababa sa P500 milyon para sa mga prayoridad na proyekto.

Ayon kay De Leon, ang DBM ay nagsusuri lamang ng mga panukalang proyekto na isinusumite ng mga ahensya ng gobyerno at hindi sila nakaaalam ng anumang leadership fund.

--Ads--

Binigyang-diin din niya na ang lahat ng proyektong nakapaloob sa 2027 National Expenditure Program ng DPWH ay may kaukulang kumpletong dokumentasyon, kabilang ang Program of Works.