Naaresto ang isang 39-anyos na tricycle driver na kabilang sa listahan ng most wanted persons sa rehiyon matapos isilbi sa kanya ang warrant of arrest kaugnay ng kasong molestation sa Cauayan City.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Nonong,” residente ng Barangay San Francisco, Cauayan City, at itinuturing na No. 2 regional most wanted person.
Isinagawa ang operasyon sa Barangay Cabaruan, Cauayan City, kung saan isinilbi ng mga pulis ang warrant of arrest laban sa suspek.
Ang manhunt operation ay isinagawa ng Cauayan City Police Station, katuwang ang Regional Intelligence Division, Regional Crime Group, Provincial Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office, at 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company.
Batay sa warrant, nahaharap ang suspek sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa.
Nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station ang akusado habang hinihintay ang susunod na kautusan ng korte at pagpapatuloy ng kaukulang legal na proseso.











