--Ads--

Muling nakapagtala ng Guinness World Record ang hardinero mula Pennsylvania, USA na si Erik Gunstrom, o “Eggplant Erik” matapos makapagpatubo ng pinakamahabang talong sa mundo na umabot sa 54.3 sentimetro gamit ang Thai Long Green variety.

Noong Agosto 2025, una siyang nagkampeon sa record para sa pinakamabigat na talong na tumimbang ng 3.9 kilos, ngunit nalampasan ito makalipas ang tatlong linggo ng isang lalaki mula Switzerland na nakapagpatubo ng 5.078-kilogram na talong.

Sa halip na sumuko, naghanap si Gunstrom ng bagong hamon at sinubukang basagin ang record para sa pinakamahabang talong ngayong 2026.

Karaniwang umaabot lamang sa 20 hanggang 30 sentimetro ang Thai Long Green variety, kaya halos doble ang laki ng kanyang napalago. Gumamit siya ng organic soil amendments, greenhouse cultivation at masusing pag-aalaga upang mapalago ito.

--Ads--