--Ads--
Nagbabala ang Estados Unidos na palalakasin nito ang economic sanctions laban sa Iran, habang sinabi ni US Treasury Secretary Scott Bessent na layunin ng Washington na putulin ang mga pinagkukunan ng economic support ng Tehran.
Bilang tugon, nagbabala si Iranian security chief Mohsen Rezaei na maaaring ihinto ng Iran ang pag-export ng langis mula sa Persian Gulf. Aniya, ituturing na “economic war” ang pagsuporta ng alinmang bansa sa mga hakbang pang-ekonomiya ng Estados Unidos.
Samantala, nagpapatuloy ang tensyon sa rehiyon habang nagsasagawa ng mga pag-atake ang Israel sa Gaza. Nakikipag-ugnayan naman ang Syria sa Israel sa pamamagitan ng mga pag-uusap sa Jordan na may pamamagitan ng Estados Unidos.










