--Ads--

Pinag-aaralan ng Department of Energy (DOE) ang pagtaas ng multa sa mga nagmamanipula ng metro ng kuryente bilang bahagi ng kampanya laban sa ilegal na paggamit ng kuryente o “jumper.”

Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, layunin ng hakbang na mapalakas ang pagpapatupad ng Anti-Pilferage Law at makatulong sa planong alisin ang system loss charge sa buwanang singil sa kuryente.

Mula sa kasalukuyang ₱5,000 na multa, pinag-aaralan ng DOE na itaas ito sa ₱50,000 para sa mga mapapatunayang lumabag.

Sa ilalim ng Republic Act No. 7832 o Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994, maaaring makulong nang anim na taon at isang araw hanggang 12 taon ang mga mapapatunayang sangkot sa ilegal na paggamit ng kuryente.

--Ads--