--Ads--
Bumagsak nang mahigit dalawang porsyento ang Philippine Stock Exchange index o PSEi matapos magbenta ng kanilang shares ang mga investor habang hinihintay ang anunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP tungkol sa pagtataas ng interest rate.
Nagsara ang PSEi sa 6,004.58 points matapos malaglag ng 132.65 points o 2.16 %, pinakamababang antas nito sa mahigit dalawang buwan.
Ayon sa mga market analyst, naging maingat ang mga investor bago ang policy announcement ng BSP dahil sa pangambang makapagpapabagal sa ekonomiya ang mas mataas na borrowing costs.
Itinaas ng BSP ng 25 basis points ang overnight reverse repurchase rate sa limang porsyento.
--Ads--











