--Ads--

Naibigay na sa prosecution panel ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang mga bank at tax records ng bise presidente, kanyang asawang si Atty. Mans Carpio, at kanilang mga negosyo.

Ayon kay Bicol Saro Rep. Terry Ridon, susuriin ng prosecution team ang mga dokumento bilang bahagi ng paghahanda sa paglalahad ng ebidensya kaugnay ng alegasyon ng unexplained wealth.

Inaasahang ihaharap ng prosecution ang mga naturang ebidensya sa Senate Impeachment Court pagsapit ng kalagitnaan hanggang huling bahagi ng Setyembre.

Nauna nang inatasan ng Senate Impeachment Court ang mga bangko, Bureau of Internal Revenue (BIR) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) na isumite ang mga rekord ni Duterte at Carpio.

--Ads--