--Ads--

Bumaba sa 6.1% ang inflation rate sa bansa noong Agosto mula sa 6.2% noong Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA.

Ito na ang ikaapat na sunod na buwan na bumababa ang inflation, na pangunahing dulot ng pagbagal ng presyo ng pagkain, pabahay at utilities.

Samantala, muling bumilis ang transport inflation sa 13.5% dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel.

Nagbabala naman ang PSA na posibleng muling tumaas ang inflation sa mga susunod na buwan dahil sa epekto ng masamang panahon, pabago-bagong presyo ng langis at paghina ng piso.

--Ads--