--Ads--

Nirerespeto umano ng Department of Justice o DOJ ang anumang magiging pasya ng Office of the Ombudsman kaugnay ng mga kasong hawak nito.

Ito ang pahayag ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez kasunod ng sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na tututulan ng kanilang tanggapan ang mosyon ng kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez na payagang sumailalim sa hospital arrest.

Hiniling ito ng kampo ni Romualdez habang hinihintay ang pagdinig sa mga kasong plunder na kinakaharap nito.

Ayon kay Martinez, ipinauubaya ng DOJ sa Ombudsman at Office of the Special Prosecutor ang naturang usapin at igagalang nila ang anumang aksyon o desisyong gagawin ng mga ito.

--Ads--

Kahapon nang silbihan si Romualdez ng arrest warrant habang nananatili siya sa Cardinal Santos Medical Center dahil umano sa masamang pakiramdam.