Itinanggi ng kampo ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na alam nila kung sino ang sinasabing makapangyarihang protektor ng senador o kung saan ito kasalukuyang nagtatago.
Ayon kay Dela Rosa’s legal counsel Atty. Israelito Torreon, ito ang paglilinaw nila matapos sabihin ni DILG Secretary Jonvic Remulla na alam na ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng mambabatas, ngunit patuloy pa rin ang negosasyon sa mga umano’y protector nito.
Sinabi ni Torreon na ang alam lamang nila ay malalim ang pananampalataya ni Dela Rosa at ang Diyos ang itinuturing nitong tunay na protector.
Umalma rin ang abogado sa paggamit ni Remulla ng terminong may kinalaman sa body bags, dahil aniya maaari itong magdulot ng takot sa pamilya at mga tagasuporta ng senador.
Gayunman, sinabi ni Torreon na mataas pa rin ang kanilang pagtingin kay Remulla at umaasa silang mababago ang polisiya ng pamahalaan hinggil sa pagsuko ng mga Pilipino sa International Criminal Court.
Muling iginiit ng kampo ni Dela Rosa na handa siyang humarap sa mga awtoridad kung may panan











