Naglabas ng commitment order ang Sandiganbayan Third Division para sa pagkakadetine ni dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa New Quezon City Jail.
Inilabas ang kautusan bago ang pagdinig sa mosyon ni Romualdez na manatili sa Cardinal Santos Medical Center kung saan siya ginagamot dahil sa mga karamdaman sa puso at utak.
Gayunman, hindi dadalo si Romualdez sa pagdinig ngayong Huwebes matapos makakuha ang kanyang kampo ng certification mula sa ospital na nagsasabing medically unfit siyang bumiyahe.
Tinutulan naman ng mga prosecutor ng Office of the Ombudsman ang kahilingan ni Romualdez na manatili sa ospital, dahil maaari umanong gamutin ng mga doktor ng gobyerno ang kanyang mga karamdaman habang nakadetine sa regular na kulungan.
Nahaharap si Romualdez sa P7.4 bilyong kasong plunder kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa anomalya sa mga flood control project.











