Isang 21-anyos na lalaki mula sa Nova Scotia, Canada ang natupad ang matagal na nitong pangarap na mapasama sa Guinness World Records matapos i-solve ang 211 Rubik’s Cube habang tumatalon sa isang pogo stick.
Kinilala ang record holder na si Saul Hafting ng Annapolis Royal, na unang sumubok sa naturang world record noong 2021 sa edad na 16.
Noong 2022, opisyal na kinilala ng Guinness World Records ang kanyang rekord na 211 Rubik’s Cube na nalutas habang nasa pogo stick, na higit na mataas sa dating rekord na 65 cubes.
Dahil dito, nakatanggap siya ng certificate at naitala sa website ng Guinness World Records, ngunit hindi agad naisama sa taunang aklat ng organisasyon.
Ngayong taon, nakatanggap si Hafting ng abiso mula sa Guinness World Records na tampok siya sa Guinness World Records 2027 edition na mabibili na ngayon sa mga tindahan.
Ayon kay Hafting, labis ang kanyang kasiyahan at pananabik na makita ang kanyang pangalan sa naturang aklat.











